Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang mga vaccination sites sa bansa sa panahon ng sakuna.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, alam na ng mga vaccination center kung paano tutugon sa kalamidad tulad ng power outages, baha at malakas na ulan upang matiyak na hindi maaapektuhan ang proseso ng pagbabakuna.
Ang mga vaccination sites naman na walang backup power ay dapat aniyang lumipat sa mas malaking center sa kanilang lugar o kaya’y humingi ng tulong sa regional vaccine operations cluster.