Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magpapatuloy ang pagbabakuna ng COVID-19 booster dose sa mga kabataang 12 hanggang 17.
Ito’y matapos ipagpaliban ng pamahalaan ang pagbibigay ng first booster shot sa mga non-immunicompromised sa nasabing age group dahil sa “glitches” sa Health Technology Assessment (HTAC).
Nais ng HTAC na maikasa lamang ang booster vaccination sa 12 hanggang 17 years old sa mga lugar na mayroon lamang 40 percent vaccinational coverage.
Dagdag pa ni Duque na nakatakdang ayusin ng htac ngayong araw ang kinakailangang adjustment sa implementing guidelines para sa pagbabakuna ng booster dose sa naturang age group na hindi kasama ang immunocompromised population.
Samantala, hiniling na rin ng DOH sa Food and Drug Administration (FDA) na pag-aralan ang posibleng pagpapalawig ng pagtuturok ng second booster dose sa mga edad 50 to 59.