Tiniyak ng Department of Health (DOH) na maipamamahagi ang lahat ng stock nilang gamot bago matapos ang 2019.
Ayon kay Health undersecretary Enrique Domingo, sa ngayon ay may natitira pa silang P3-B halaga ng overstocked na gamot sa DOH mula sa mahigit P18-B halaga ng nabili nilang gamot.
Una nang sinita ng Commission on Audit ang DOH dahil sa mahigit sa P2-B halaga ng gamot na malapit nang mag-expire sa mga bodega ng DOH.
Sinabi ni Domingo na bumuo na rin ng task force si Health Secretary Francisco Duque upang imbestigahan ang pangyayari.