TINIYAK ng Department of Health na may mahigpit itong koordinasyon sa Department of Budget and Management o DBM hinggil sa paglalabas ng pondo para sa mga benepisyo ng mga health care workers at sa pagbili ng mga mahahalagang supplies.
Ginawa ng DOH ang pahayag matapos mapaulat na hindi pa rin natatanggap ng mga medical workers ang kanilang Special Risk Allowance o SRA.
Matatandaang inihayag ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega na nai-release na nila ang 8.8 billion pesos na pondo para sa SRA ng mga health workers sa ilang public at private institutions.
Gayunman, inamin ng DOH na mahalagang mapaigting pa ang ugnayan o koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya upang mabilis na maihahatid sa mga medical frontliners ang kanilang mga benepisyo.