Tiniyak ng Department Of Health o DOH na sapat ang suplay ng mga oxygen tanks sa mga ospital sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa datos ng DOH at Department of Trade and Industry o DTI, wala silang nakikitang kakulangan ng oxygen supply sa bansa maging sa Metro Manila na sasailalim sa 2 week lockdown.
Gayundin ang iba pang medical supplies ng mga pribado at pampublikong ospital kabilang na ang mga ginagamit sa araw-araw para sa iba’t ibang isyung medikal.
Mababatid ani vergeire na sa 580 tons ng oxygen cylinder tanks na ginagawa kada araw ay nasa 560 tons lamang ang ang nagagamit sa kada araw na operasyon ng mga ospital.
Kasunod nito, ay tinaasan pa ng DOH ang tank requirement sa 600 o dapat magawang oxygen tanks kada araw dahil na rin sa banta ng COVID-19 at ang mga variants nito.