Tiniyak ng Department of Health na skilled and trained ang mga nagsasagawa ng swab tests para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay dahil mayruong mahigpit na mga panuntunan ang DOH sa pagbibigay ng lisensya sa mga pasilidad na nagsasagawa ng swab tests.
Sinisiguro aniya ng DOH na ligtas ang specimen collection na ginagawa at isa ito sa mga basehan sa pa- iisyu nila ng lisensya.
Bukod sa pagiging skilled at trained ino-obliga rin aniya ng DOH ang mga nagsasagawa ng test na magsuot ng protective personal equipment at paggamit ng tamang medical tools.
Una nang napaulat ang insidente sa Amerika kung saan nasira umano ng nasal swab test ang lining ng utak ng babaeng pasyente dahil nang pag-leak ng cerebrospinal fluid mula sa ilong nito at nanganib sa brain infection.