Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kanilang bibigyang tulong ang mga ospital sa mga probinsya na malapit nang maabot ang ‘full bed capacity’.
Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega na nakipag-ugnayan na sila sa mga pamunuan ng ospital sa Cagayan de Oro, sa probinsya ng Cagayan maging sa Cebu.
Dagdag pa nito na inabisuhan ng kagawaran na magdagdag ang mga ospital na ito ng marami pang COVID-19 beds, gamot at mga kagamitan dahil bibigyan sila ng pondo para sa mga ito.
Bukod dito, magbibigay ang DOH ng ventilators, high-flow oxygen machines at maging karagdagang health workers na makatutulong sa paglaban kontra COVID-19.
Sa huli, tiniyak ng opisyal na nakabantay ang DOH sa sitwasyon sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.