Wala pang kumpirmadong kaso ng delta subvariant sa Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ng Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na binabantayan ang 46 na sublineages ng delta variant kung saan wala pa silang naitatalang subvariant.
Ayon sa DOH, sa mga na-sequenced na COVID-19 samples ng DOH walang nakitaan ng sinasabing A.4.2.
Sinabi naman ni Vergeire, magkakatulad lang naman ang kanilang ginawang protocols sa lahat ng COVID-19 variants.
Marami na rin ang napapaulat ukol sa pagdami ng kaso ng sublinage aypoint 4.2 sa United Kingdom at iba pang bansa.
Samantala, giit ni Vergeire, ang ‘mutations’ ay bahagi ng natural na proseso sa virus evolution.