Mahigpit na binabantayan ng Provincial Health Office ng Abra ang tatlong bayan sa naturang lalawigan.
Ito ay kasunod ng naitalang pagtaas sa kaso ng dengue sa mga bayan ng La Paz, Danglas at Lagayan.
Ayon sa Abra Provincial Health Office, nasa 11 mga pasyenteng may sakit na dengue ang kasalakuyang naka-confine sa Abra Provincial Hospital.
Habang pumalo na sa 133 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng dengue simula Enero ng kasalukuyang taon.