Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department Of Health ang na-detect na panibagong COVID-19 variant na lambda.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang nadidiskubreng ganitong klaseng variant sa bansa.
Ani Vergeire, sa ngayon ay hinihintay pa ang iba pang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa lambda strain.
Batay aniya sa WHO , ikinukonsidera ito bilang “variant of interest”.
Ibig sabihin umano, iba ito sa mga “variants of concern”, ang lambda variant ay may attributes din na katulad ng sa delta variant.