Tiwala ang Department Of Health o DOH na bababa sa 2k ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kung patuloy na susundin ang mga ipinapatupad na health at safety protocols sa bansa malaki ang posibilidad na bumaba sa 2k ang kaso kada araw.
Bukod dito, pabor din si Duque na ibaba na sa alert level 2 ang Metro Manila ngunit may ilang kondisyon lamang na dapat sundin.
Aniya, kailangan mas paigtingin ang pagpapatupad ng minimum public health standards at iwasan ang matataong lugar upang hindi maging sanhi ng hawaan sa bansa.
Samantala, nagpaalala muli si Duque sa publiko na kailangan pa rin sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols upang maabot ang masayang kapaskuhan sa Disyembre.