Tiwala ang Department of Health (DOH) na manapanatili ang naitalang zero death hanggang matapos ang pagtatala nila ng firecracker-related incidents sa January 6.
Ipinabatid sa DWIZ ni Health Secretary Francisco Duque III na walang naitalang insidente ng firecracker ingestion at walang naitatalang nasawi dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa 2020.
Nakiusap pa si Duque sa publiko na patuloy na maging maingat at linisin ang mga kalat na naiwan mula sa paputok o fireworks.
Una nang iginiit ni Duque ang pagsusulong na maipagbawal ang lahat ng uri ng paputok kasama na ang mga pailaw tulad ng lusis at fountain dahil kapwa nakakapinsala ang mga legal at ilegal na paputok o pailaw.
Wala tayong fireworks ingestion, nor strain bullet injury or namatay dahil sa mga paputok,” ani Duque. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas
Posibleng tumaas pa ang mga insidente ng mga nasugatan dahil sa paputok sa pagsalubong Bagong Taon.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III bagamat sa kasalukuyan ay nasa 35% ang ibinaba ng bilang ng firecracker-related injuries kumpara noong nakalipas na taon.
Sinabi sa DWIZ ni Duque na hindi kaagad nairereport ang ilang insidenteng may kaugnayan sa paputok kaya’t hindi rin nila opisyal na nabibilang.
Ito’y baka tumaas pa dahil an gating talaan ay magwawakas lamang sa January 6, so, araw-araw mayroon pa tayong mga bilang kasi mayroon ding mga pailan-ilan na hindi kaagad dinadala sa ospital, so, ang pagreport ay nahuhuli rin,” ani Duque. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas