Tumanggap ang Department of Health o DOH ng 350 milyong quick release fund bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City.
Bukod pa ito sa nauna nang isandaan at tatlumpu’t pitong milyong piso (P137-M) na pondo na ipinagkaloob sa ahensya.
Ayon kay DOH OIC Secretary Herminigildo Valle, gagamitin ang naturang pondo para sa pagsasaayos at pagpapatayo ng ospital na nasira sa kasagsagan ng giyera sa siyudad.
Samantala, tinukoy ni Valle na operational na ang Amai Pakpak Medical Center matapos na maging bahagi ng ground zero.