Tumatanggi ang Department of Health (DOH) sa mga panawagang paggamit sa rapid test kits.
Ito ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay dahil maaaring magbigay ng false negative results ang mga nasabing rapid test kits.
Sinasabing nakakadagdag pa sa tila pangangapa ng lahat sa COVID-19 outbreak ang kakulangan ng test kits kaya’t hindi kaagad nade-detect ang mga bagong kaso.
Ipinabatid ni Vergeire na ipapamahagi sa sub national laboratories ang 100,000 test kits mula sa China kugn saan ang alokasyon ng bawat laboratoryo ay base sa pangangailangan at kapasidad nito.