Tumanggi munang magkomento ang Department of Health kaugnay sa sinasabing bagong bat virus na nadiskubre ng mga researcher sa China.
Ayon kay DOH Spokesman at Assistant Secretary Albert Domingo, ito ay dahil wala pang dumarating na abiso mula sa world health organization hinggil sa sinasabing bagong sakit.
Binigyang-diin ni Asec. Domingo na iiwas muna sila sa pagbibigay ng pahayag dahil wala pa silang sapat na batayan upang magkomento ukol dito.
Ipinunto ng DOH Official ang isa pang napaulat na flu-like virus kamakailan na kalaunan ay napasinungalingan din.
Nabatid na iniulat ng isang foreign media ang sinasabing bagong bat virus sa china na mayroong kahalintulad na komposisyon sa Sars-Cov-2 na siyang nagdudulot ng COVID-19. – Sa panulat ni John Riz Calata