Tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) sa mga tulong medical na kakailanganin kaugnay sa selebrasyon ng pista ng poong itim na nazareno ngayong araw.
Ayon sa DOH, whole-of-government at whole-of-society approach ang kanilang ginagawa upang maisaayos ang na pagtaguyod nito.
Sinabi naman ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang nakadeploy ang iba’t-iba nilang team mula sa health emergency management bureau at field implementation and coordination team na handa aniyang rumesponde.
Samantala, katuwang ng DOH ang metro manila center for health development sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga indibidwal na dumalo sa traslacion.