Inaasahan na ng DOH o Department of Health ang mas maraming smokers o adik sa yosi na titigil na sa nasabing bisyo.
Ito ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial ay kasunod nang mahigpitang implementasyon ng Executive Order 26 o nationwide smoking ban simula pa noong Linggo, July 23.
Sinabi ni Ubial na inaasahan na nilang mas marami pa ang tatawag sa DOH quit line o help line na itinatag ng ahensya para sa mga nais na bumitaw sa paninigarilyo.
Simula nang ilunsad noong isang buwan, nasa average na dalawampung (20) tawag kada araw mula sa mga smokers na gusto nang tumigil sa pagyoyosi ang natatanggap ng quit line.
Tiwala si Ubial na magiging matagumpay din ang pagpapatupad ng smoking ban sa buong bansa katulad nang nangyari sa Davao City.
By Judith Larino
DOH umaasang mas maraming Pilipino ang titigil sa paninigarilyo was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882