Umalma ang Department of Health (DOH) sa resulta ng isang pag-aaral mula sa Ateneo de Manila University na halos tatlong milyong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang underreported o hindi ini-report sa gobyerno.
Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bigo ang researcher na maikunsider ang pagkakaiba ng health system sa Pilipinas at iba pang bansa sa nasabing pag-aaral.
Hindi rin aniya akma na isama ang case fatality o bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 na isa sa mga basehan ng research.
Sinabi ni Vergeire na bukas ang DOH sa mga katulad na pag-aaral subalit dapat na maging maingat sa paghahambing ng estado sa ibang bansa dahil posibleng magdulot ito ng hindi patas na interpretasyon.
Ayon pa kay Vergeire handa ring makipag ugnayan ang DOH sa researcher.