Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health o DOH sa Department of Budget and Management o DBM.
Ito’y para sa karagdagang pondo at plantilla positions sa pagmamantine ng mga Treatment and Rehabilitation Centers o TRCs.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kulang sila sa mga tauhan at pondo para matugunan ang pangangalaga sa drug dependents na isinasailalim pa rin sa rehabilitasyon.
“I must be the first one to admit that we don’t have enough human resource to bring me provide the maximum of rehabilitation care and services so we are working, we go to DBM to increase the number of positions or at least the budget to allow us to hire on contractual basis…certain human resource for health professionals like psychiatrist, oncologist,” ani Duque.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Duque na sapat naman ang bilang ng mga drug rehabilitation centers sa iba’t ibang rehiyon.
Ginawa ni Duque ang pahayag kasunod ng direktiba ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng binuong ICAD o Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na lalong palakasin ang rehabilitation program.
Layon nito na mabawasan na ang bilang ng mga namamatay sa ikinakasang anti-drug operations sa bansa.
“Patuloy ang pag unlad ng kakayahan o yung capacity building ng treatment and rehabilitation center. In fact, under this administration, we have the target in establishing more and more treatment and rehabilitation centers across the country. Our target is to ensure that is what TRC for every region and we are on the way to accomplish it now. You know, drug addiction is also considered as a mental health disorder,” ani Duque.