Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na maglaan pa ng karagdagang kama para sa mga pasyente na may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos maglabas ng memo ang Chinese General Hospital na hindi na nila kakayanin pang tumanggap ng mga pasyenteng dinapuan ng nakahahawang sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inatasan nila ang mga ospital na sumunod sa 30% standard at pagiging handa sa pagpapatupad ng karagdagang 20% surge capacity kung kinakailangan.
Dagdag pa ni Vergeire, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga pamunuan ng ospital para matiyak na nagagamit ng wasto ang mga resources at pantay itong naibabahagi sa pampubliko at pribadong pagamutan.
Batay sa datos ng DOH (as of July 3), nasa 11 ospital ang naglaan ng COVID-19 intensive care unit.