Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag gumamit o magpagawa ng mga pekeng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test results.
Ito ay matapos mag-viral online ang larawan ng isang printing shop sa Caloocan City na namemeke ng mga resulta ng COVID-19 anti body rapid test.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, dapat maunawaan ng publiko na maaaring makapagpalala ng transmission o pagkalat ng COVID-19 ang nabanggit na iligal na gawain.
Iginiit ni Vergeire, kinakailangan ding mas higpitan pa ng mga local government units at iba pang institusyon na nagsasagawa ng rapid testing ang pagpapalabas nila ng resulta.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na nananatiling ligtas ang paglalabas ng mga resulta ng RT-PCR test mula sa mga lisensiyadong laboratoryo.