Maaari nang ma-avail ang video consultation sa KonsultaMD.
Bahagi nito ang 30 telemedicine doctors mula sa Department of Health (DOH) na nag-volunteer para makunsulta sa ilalim ng DOH Healthcare Warrior Program.
Ang serbisyo ay available sa KonsultaMD app hanggang Hunyo 22 at kailangan lamang i-download ang nasabing app at pumili sa alinmang konsulta MC plans na nagkakahalaga ng P15.00 kada linggo hanggang P150.00 kada buwan.
Maliban sa DOH volunteers maaari ring magpa konsulta sa licensed KonsultaMD doctor na nagbibigay ng e prescription at E-laboratory.
Ang DOH ay una nang nakipag ugnayan sa konsulta md para magbigay ng telemedicine advise sa publiko kung ang kanilang kaso ay non-emergency para maiwasang magtungo pa sa mga ospital o malantad sa sakit.