Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala nang naitalang bagong kaso ng monkeypox virus matapos makarekober ang ika-apat na nagpositibo sa naturang sakit.
Ayon sa DOH, natapos na rin sa kanilang quarantine isolation ang labing walo sa dalawampung close contacts ng ika-apat na pasyente.
Sinabi ng ahensya na asymptomatic ang 20 close contacts kung saan, patuloy pang naka-quarantine at nagse-self monitor ang dalawa pa sakanila.
Samantala, iginiit naman ng DOH na mula noong August 22, wala pang naiulat na panibagong nagpositibo sa nasabing sakit sa bansa.