Walang nakikitang problema ang Department of Health (DOH) sa pagpapahintulot para sa compassionate use o paggamit bilang gamot ng Cannabidiol –ang compound mula sa marijuana.
Ito ay matapos namang i-reclassify ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga gamot na mayroong Cannabidiol para sa epilepsy.
Ayon kay DOH secretary Francisco Duque III, nakasaad na aniya sa probisyon ng Dangerous Drugs Act ang pag-aaral hinggil sa paggamit ng component mula sa marijuana bilang gamot.
Gayunman, binigyang diin ni Duque na kinakailangang matiyak ang tamang proseso hinggil dito kung saan dapat ay nasa itsura na ito ng gamot tulad ng kapsula.
Paliwanag ni Duque, karaniwang hindi na nagtataglay ng nakaka-high na component na Tetrahydrocannabinolic ang mga nakakapsulang Cannabidiol.
Samantala, hindi pa matiyak ni Duque kung hindi na nakakabuo ng addictive behavior ang paggamit ng medical marijuana na kinakailangan pa aniya ng mga karagdagang pag-aaral.