Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na balitang may outbreak ng pneumonia sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Erik Domingo, bagama’t mataas ang kaso ng mga may trangkaso ngayon mababa pa rin naman aniya ang kaso ng mga may pneumonia.
Sinabi ni Domingo na uso ang trangkaso ngayon dahil sa malamig na panahon.
Kaya naman payo ng DOH, huwag kalimutan ang proper hygiene lalo na ang mga may trangkaso at mabuting agad na magpatingin sa doktor kung nakakaranas ng lagnat.