Magsasanib puwersa ang Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa paglulunsad ng “Chikiting Bakunation Days” na may layuning mabakunahan ang mahigit isang milyong kabataan na hindi pa nakatatanggap ng bakuna sa World Immunization Week 2022.
Ayon sa DOH, aabot sa 1.4M na mga bata ang hindi pa natuturukan ng bakuna sa gitna ng pandemiya kung saan, kabilang ang Pilipinas sa nangungunang sampung bansa sa buong mundo na may malaking bilang ng unvaccinated children.
Isasagawa ang naturang programa sa buong bansa tuwing huling linggo ng Abril hanggang Hunyo.
Nabatid na ang pagbabakuna sa mga kabataan ay makakatulong para labanan ang ibat-ibang uri ng mga sakit partikular na ang Polio, Measles, Hepatitis B, Pneumonia, at iba pang Vaccine Preventable Diseases (VPDS).
Samantala, nangako naman ang WHO at UNICEF na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang suporta sa pamamagitan nang pagkakaloob ng resources sa vaccine management, research, at planning sa regional at national level.
Layunin din ng naturang programa na maiwasan ang pagkakaroon ng outbreak sa bansa bunsod ng pagbaba ng vaccination coverage.