Magsasanib puwersa ang DOH at World Health Organization para imbestigahan ang P.3 coronavirus variant na una na detect sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH Epidemiology Bureau magpupulong ang mga opisyal ng DOH at WHO sa mga susunod na linggo para magpalitan ng mga impormasyon hinggil sa P.3 variant.
Ang nasabing variant ay nakaabot na sa England matapos itong ma-detect sa dalawang indibidwal.
Sinabi ni De Guzman, na regular na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga counterpart nito sa ibang bansa para mag bahagi ng mga impormasyon sa mga nasabing kaso.