Magpupulong ang mga kinatawan ng Department Of Health (DOH) at ng World Health Organization (WHO) upang talakayin ang pag-arangkada ng vaccine trials sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga pagpupulungan ay ang protocol sa trial, gayundin ang implementation arrangements na may kinalaman dito.
Umaasa naman si Vergeire na masisimulan na ang solidarity trial sa mga susunod na linggo.
Natagalan lang aniya ang WHO sa pagsasapinal sa listahan ng mga bakunang isasama sa clinical trial.