Sinibak na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre sina acting Immigration Intelligence Chief Charles Calima, Jr. at assistant nitong si Police Colonel Edward Chan matapos masangkot sa umano’y 50 million peso extortion kay online gambling tycoon Jack Lam.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Aguirre bagamat nananatili ang rekomendasyon niya sa Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa tungkulin sina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na nahaharap sa aniya’y seryosong akusasyon.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
Samantala ..tumanggi pang magkomento si Aguirre sa paliwanag nina Argosino at Robles dahil hihintayin muna niya ang resulta ng tatlong imbestigasyon hinggil sa naturang usapin.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Judith Larino | Ratsada Balita