Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na agad nilang aaksyunan ang mga reklamo kaugnay sa mga suspek sa kidnapping incidents kapag inendorso ito sa kanilang ahensya.
Ayok kay Justice Spokesperson Atty. Mico Clavano, sa kasalukuyan ay hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
Aniya, iniutos ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang imbestigasyon sa mga sasakyan na may improvised plate numbers.
Samantala, nagkasa na rin ang DOJ ng imbestigasyon sa mga ninakaw na sasakyan.