Nakatakdang talakayin ng malakanyang at mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang petsa ng pag-gawad ng executive of clemency sa mahigit dalawanlibong persons deprived of liberty (PDLs).
Pangungunahan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing pagpupulong para madetermina o matukoy ang mismong araw ng pagpapalaya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kwalipikadong detainee.
Ayon kay Remulla, gumagawa na ng hakbang ang DOJ, Bureau of Corrections (BuCor) at Public Attorney’s Office (PAO), para maaprubahan ng pangulo ang pagbibigay ng parol sa mga pdl.
Sinabi ng opisyal, na noong September pa nila sinimulang magsumite ng listahan para sa rekomendasyon ng E.C. na posibleng umabot ng animnapu hanggang pitumput limang araw ang proseso bago mapalaya ang mga preso.