Pupulungin bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Public Attorney’s Office (PAO) Chief Percida Acosta at Presidential Anti-Corruption Commission head Dante Jimenez.
Ito ay para hingan sila ng update ukol sa ginagawang imbestigasyon ukol sa dengvaxia.
Sa naturang pulong, bibigyang diin ni Aguirre ang pangangailangan ng isang clinical pathology expert para ma-establish ang posibleng kaugnayan ng pagkamatay ng mga biktima at ng itinurok na dengvaxia sa mga ito.
Kasabay nito, sinabi ni Aguirre na magpapatuloy ang otopsiya ng pao sa mga batang nasawi matapos maturukan ng dengvaxia hangga’t wala pang desisyon ukol dito ang Malacañang at PAO.