Nagkasundo na ang Department of Justice (DOJ) at Public Attorney’s Office (PAO) sa imbestigasyon sa pagkasawi ng ilang batang tinurukan ng Dengvaxia.
Kapwa ibinasura na ng DOJ at PAO ang sinasabing conflict of interest sa preliminary investigation sa kaso.
Ito’y matapos italaga bilang DOJ Undersecretary si Atty. Jesse Hermogenes Andres, na dating abogado ni dating Health Secretary Janet Garin na pangunahing respondent sa Dengavaxia case.
Kamakailan iginiit ni PAO Chief Persida Acosta sa DOJ panel na huwag hawakan ang kaso sa halip ipaubaya na lamang sa Quezon City Metropolitan Trial Court upang hindi umano maging bias sa kaso. —sa panulat ni Jenn Patrolla