Lumagda na ng Memorandum of Agreement kaninang umaga ang Department of Justice at Philippine General Ospital, para sa otopsiya ng katawan ng 120 inmates na hindi pa rin kinukuha sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kabilang ang mga katawan sa 176 na labi na nananatili sa punerarya.
Dahil dito, gumagawa ng paraan ang DOJ para mahanap ang pamilya ng mga nasawi at makakuha ng pahintulot para sa gagawing eksaminasyon.
Maliban sa PGH, nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa UP College of Medicine.
tiniyak naman ng DOJ official na ilalabas nila ang pangalan ng mga pumanaw na bilanggo, kasama ang dahilan ng kanilang pagkamatay.