Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paglikha ng inter-agency task force para tutukan ang mga kaso ng kidnapping sa bansa.
Kasunod ito ng insidente ng pag-kidnap at pagpaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que.
Ang nasabing task force ay bubuuin ng DOJ, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at Bureau of Immigration.
Magkakaroon din ng hotlines, kung saan maaaring tumawag ang publiko para mag-tip, mag-report ng krimen at iba pang maaaring kailangangin ng mga komunidad.
Maliban dito, sinabi pa ng kalihim na hihilingin din sa korte suprema ang pagbuo ng special courts na hahawak sa mga kaso ng kidnapping. - sa panulat ni Hya Ludivico