Bubuo ng iba pang grupo ang Department of Justice (DOJ), para sa binuong inter-agency task force against vote buying ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, prayoridad dito ang mga reklamong ihahain sa DOJ.
Para naman bigyang-halaga ang nalalapit na eleksyon at pagrekober ng bansa sa COVID-19 pandemic, aatasan ni guevarra ang mga contingent ng doj na mas pagtuunan ng pansin ang gawain sa susunod na 40 araw. – sa panulat ni Abby Malanday