Bukas ang Department of Justice sa posibilidad na pumasok sa Witness Protection Program (WPP) si Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’.
Matatandaang si alyas Bikoy ang umaming nasa likod ng kontrobersiyal na ang totong narcolist video kung saan iniugnay ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra, kailangan ay makapasa si Bikoy sa mga requirements na hinihingi ng batas bago mapasailalim sa WPP.
Tulad aniya ng affidavit at mga ebidensiya para maikonsidera para sa provisional coverage.
Sinabi pa ni Guevarra na sakaling mag apply si Bikoy para sa witness protection program ay isasailalim ito sa masusing evaluation ng ahensya.
Makailan ay lumutang si alyas Bikoy kung saan ikinanta niya na ang oposisyon ang siyang nasa likod ng pagpapalabas ng nasabing kontrobersiyal na video at ouster plan kay Pangulong Rodrido Duterte.