Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa imbestigasyon kaugnay sa 23 hukom at piskal na sangkot umano sa illegal drugs trade.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sakaling pumayag ang PDEA na magbigay ng intelligence information laban sa mga narco-judge at prosecutor ay pabor din ang DOJ na isama sila sa isasagawang imbestigasyon.
Nanindigan si Guevarra na mahigpit nilang ipatutupad ang zero tolerance policy sa mga government prosecutor na sangkot sa iligal na droga.
Magugunitang inihayag ng PDEA na sumasailalim pa sa validation ang listahan ng mga hukom at piskal na sangkot sa illegal drugs trade.