Nilagdaan na ng DOJ at DILG ang joint memorandum circular kaugnay sa paglabag sa health protocols.
Kabilang sa mga lumagda sa nasabing circuar sina DILG Secretary Eduardo Ao, Justice Secretary Menardo Guevarra , PNP chief General Guillermo Eleazar at iba pang opisyal ng dalawang ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni anio na ang nasabing circular ay higit pang magpapalakas sa pagpapatupad ng minimum health and safety regulations.
Sa ilalim ng nasabing guidelines inoobliga ng dilg ang LGU’s at PNP na bumuo ng holding areas kung saan mananatili ang violators para hindi mapasama sa mga nakakulong na kriminal at hindi pa sumikip ang mga bilangguan.
Sakali mang ikukulong ang violators paiiralin ang local ordinances.
Tiniyak ni Año na mananagot din ang mga pasaway na opisyal kapag may nalabag na health protocols sa kanilang lugar.
Ang mga mahuhuli aniyang quarantine violator na walang sintomas ay imo monitor nila at dadalhin naman sa isolation facilities sakaling mag positibo sa COVID-19.