Ilang kahina-hinalang impormasyon ang nakita ang Department of Justice (DOJ) sa pagkamatay ng higit 250 indibidwal sa gitna ng Anti-Illegal Drug Operations ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Justice Undersecretary Adrian Sugay na ilan dito ay ang ginawang pagsasampa ng kaso ng Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal kahit nasawi na sa operasyon.
Habang kasama rin ang hindi pagsailalim sa Paraffin test ng mga biktima upang malaman kung totoong nanlaban ang mga ito sa pulis maging ang hindi pagkakaroon ng SOCO reports.
Sinabi pa ni Sugay na lahat ng kwestiyonableng kaso ay iipunin at i-eendorso sa National Bureau of Investigation (NBI). —sa panulat ni Abby Malanday