Handa ang Department of Justice o DOJ na makipag-ugnayan sa Philippine National Police o PNP sa pagsasagawa ng regular na imbestigasyon sa mga drug war cases.
Ito ang inihayag ni Justice Chief Menardo Guevarra upang makita kung lehitimong isinagawa ang imbestigasyon kontra droga.
Dagdag ni Guevarra, posibleng magsanib puwersaang DOJ at NBI o National Bureau of Investigation para sa pagsasagawa ng regular na imbestigasyon sa hinaharap ukol sa illegal na droga.
Isiniwalat ito ni Guevarra matapos na mapag-alaman ng DOJ panel na tumutok ang PNP sa administrative accountability sa 52 drug war cases na kasalukuyang binubusisi.