Hinamon ni house majority floor leader Rodolfo Fariñas ang Department of Justice na kasuhan si Congresswoman Len-Len Alonte.
Ayon kay Fariñas, ito ang magiging pagkakataon ni Alonte upang ipagtanggol ang sarili alinsunod sa prinsipyo ng due process.
Sinabi ni Fariñas na walang dahilan para magpaliwanag si Alonte sa ngayon dahil wala namang isinasampang kaso laban sa kanya.
Una nang nag-akusa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inalok ni Alonte ng 100 milyong Piso ang mga high profile inmate ng bilibid na nasa sa AFP custodial and detention center sa Camp Aguinaldo upang bawiin ang testimonya nila laban kay Senadora Leila de Lima.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc