Hindi itatago ng DOJ ang resulta ng imbetigasyon sa drug war killings.
Tiniyak ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos igiit ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na i-publish ng gobyerno ang review nito sa nasabing usapin.
Ayon kay Guevarra, walang intensyon ang gobyerno na itago ang resulta ng review at investigation nito sa anti illegal drug campaign ng gobyerno.
Sinabi ni Guevarra na aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOJ para sa kaukulang case build up matapos i-forward sa NBI ang 51 mula sa 52 kaso ng drug war deaths.