Ibinasura ng DOJ panel ang testimonya ng isang pathologist bilang ebidensya sa preliminary investigation ng mga kasong kriminal na isinampa kaugnay sa Dengvaxia issue.
Tinanggihan ng panel of prosecutors ang mosyon ni dating health secretary Janet Garin para gamiting ebidensya ang affidavit ng isang Dr. Raymundo Lo na isang expert pathologist dahil bukod sa huli nang naisumite ang testimonya nito, hindi tamang venue ang preliminary investigation para rito.
Magugunitang noong nakalipas na Setyembre ay hiniling ni Garin sa DOJ panel na tanggapin ang affidavit ni Lo dahil ang expert opinion nito aniya ay makakatulong sa pag imbestiga ng panel para mapalabas ang katotohanan at makontra ang mga anito’y medical conclusion na nakasira sa kaso.