Nanindigan ang DOJ na walang immunity sa anumang kaso ang nakaupong pangalawang Pangulo ng bansa.
Tinukoy ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nabasurang kaso laban kay Vice President Leni Robredo sa isyu ng ouster plot sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Lumutang ang legal na opinyon sa isyu ng immunity matapos ihayag ng Pangulong Duterte na tatakbo siyang Vice President para hindi makasuhan.