Kinakailangan pa ring sumailalim sa government protective custody ang taxi driver na umano’y hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz.
Ayon ito kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaya’t hihimukin pa rin nila si Tomas Bagcal na mailagay sa WPP o Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ) kahit ayaw nitong magpatulong sa gobyerno.
Una nang tumanggi ang taxi driver sa alok ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim ito sa protective custody.
Ani Bagcal, mas nanaisin nitong manatili sa grupong ‘Rise Up for Life and For Rights’, kung saan ito sumuko.
Maliban dito, tiniyak din ni Bagcal na handa nitong tulungan ang pamilya ni Carl Angelo Arnaiz para makamit nila ang hustisya.
______