Agad inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang D.O.J. taskforce on child protection na imbestigahan ang kaso ng umano’y pang-aabuso ng 13 Pulis Caloocan sa isang menor de edad.
Magugunitang kasama ang nasabing Menor de Edad nang pagnakawan ng mga pulis ang bahay ng umano’y sangkot sa iligal na droga na target naman ng raid ng PNP-Caloocan.
Ayon kay Aguirre, bahagi ng kanyang direktiba sa nabangit na taskforce ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga pulis na mapapatunayang nang-abuso sa kasama nitong bata nang isagawa ang raid.
Anumang uri anya ng physical o psychological injury o paraan ng pang-aabuso sa mga kabataan ay malinaw na isang kaso ng child abuse at hindi dapat kinukunsinte sa halip ay parusahan ang mga may-sala sa ilaim ng umiiral na batas.
Inilabas ang kautusan bilang tugon naman sa panawagan sa Departments Of Justice at Social Welfare and Development ng isang mambabatas na panghimasukan na ang nangyaring pang-aabuso ng 13 Pulis na sumalakay sa bahay ng isang ginang sa Barrio Sta. Rita sa Tala, Caloocan City noong September 7.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE