Inatasan ng Justice Department ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nangyaring pagpaslang kay dating Laguna Vice Governor at ngayo’y Los Baños Mayor Caesar Perez, at magsagawa ng case buildup na maaring gamitin bilang ebidensya.
Sa inilabas na memorandum ng DOJ na may petsang December 4, 2020, inaatasan ni Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay si NBI OIC Eric Distor na pangunahan ang imbestigasyon at ang posibleng case buildup laban sa gunman.
Matatandaang noong nakalipas na Huwebes, Disyembre 3, naglalakad patungo sa receiving area ng munisipyo si Perez, nang bigla itong atakehin ng ‘di nakilalang suspek at dalawang beses na pinaputukan sa likod ng kanyang ulo na sya nitong ikinasawi.
Pinagsusumite rin ng DOJ ang NBI ng periodic reports hinggil sa mga magiging progreso ng imbestigasyon at ang posibleng pagbuo ng case buildup sa loob ng 30 araw.
Matatandaang kabilang si Perez sa mga binanggit ni Pang. Duterte na nasa kanyang narcolist.