Inatasan ng liderato ng Justice Department ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naganap na barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang naturang imbestigasyon ay hiwalay sa pagsisiyasat ng PNP-PDEA Board of Inquiry.
Mababatid na ang naturang board of inquiry ng PNP at PDEA ay binuo para imbestigahan ang naturang insidente na nagresulta sa pagkasugat maging pagkalagas ng ilang katao.