Inatasan ng Malakanyang ang Department of Justice (DOJ) na palawakin pa ang kanilang ginagawang pag-aaral hinggil sa pagpapatigil sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Kasunod ito nang naunang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanilang ihahain ngayong araw ang resulta ng ginawa nilang pag-aaral sa proseso ng pagterminate sa VFA.
Ayon kay Guevarra, inatasan na rin sila ng Malakanyang na pag-aralan at gumawa ng assessment sa posibleng impact o epekto ng pagpapatigil sa VFA.
Dahil dito sinabi ni Guevarra, ikukunsidera na rin sa kanilang pag-aaral ang posibleng magiging epekto sa seguridad, ekonomiya at aspeto ng kalikasan ng termination ng nabanggit na kasunduan.
Dagdag ni guevarra, posible silang humiling ng pulong kasama ang cabinet clusters sa justice, security at peace para talakayan ang usapin.